^

Bansa

P20-B rehab fund sa mga sinalanta - SB

Gemma Garcia, Butch Quejada at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa sunod-sunod na kalamidad na tumatama sa bansa, napagkasunduan sa Kamara na bumuo ng rehabilitation fund na tinatayang aabot sa P20 bilyon upang ma­tulungan ang mga nabiktima ng trahedya.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., kaya pang ihabol ang nasabing pondo dahil nasa Senado pa lamang ang 2014 budget.

Binigyang diin ni Belmonte na hindi sila papayag na lalagpas sa Kongreso ang 2014 budget na wala ang rehabilitation fund na ito.

Ipinapalipat na rin ng mga kongresista sa cala­mity funds ang P12 bil­yon na natitira sa kanilang 2013 pork barrel.

Sa House Joint Resolution no.7 na pirmado ng lahat ng lider ng Kamara, isinasantabi na ng mga kongresista ang interes sa natitira nilang Priority­ Development Assistance Fund (PDAF) at binibigyan ng otorisasyon si Pa­ngulong Aquino na i-realign ito sa calamity funds.

Ang PDAF na ito ay kasalukuyang subject ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema.

Kinausap na rin uma­no ni Belmonte ang So­li­ citor General para magkaroon ng representas­yon sa Korte Suprema upang ipagbigay alam na wala na silang interes sa nalalabing 2013 PDAF.

Subalit sa kondis­yon na ang nasabing halaga ay ire-realign ng Executive sa calamity funds.

Matatandaan na dati ay nilalabanan pa ng mga kongresista ang natitira nilang PDAF para maibi­gay ito sa kanilang scholars at mga nangangailangan ng medical assistance.

Paliwanag naman ni House Majority leader Boyet Gonzales, wala ng magiging legal issue ang nasabing usapin dahil mayroong kapangyarihan ang Presidente na mag-realign ng pondo.

Subalit kung ideklara naman umano na uncons­titutional ang PDAF ay ma­babalewala na rin ito dahil wala ng pork barrel sa 2014.

Samantala, P10 billion special fund naman ang giit ng Senado para magamit sa rehabilitasyon ng mga lugar na malubhang nasalanta ng mga nakalipas na kalamidad.

Kabilang sa mga pag­ lalaanan ng special funds ang mga lugar na naapektuhan ng super typhoon Yolanda partikular ang Central Visayas, mga lugar na sinalanta ng bagyong Santi, kabilang na ang Zamboanga City na sinalakay ng MNLF at ang probinsiya ng Bohol at Cebu na nakaranas ng 7.2 lindol.

Idinagdag ni Drilon na relief operations lamang ang kayang pondohan mula sa President’s Social Fund, pero kritikal na bahagi ng mga hakbangin ng gobyerno ang mabilis na pagsasaayos ng mga imprastraktura na nasira dahil sa mga kalamidad.

BELMONTE

BOYET GONZALES

CENTRAL VISAYAS

DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

HOUSE MAJORITY

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

KORTE SUPREMA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with