MANILA, Philippines - Iniutos kahapon ni US Secretary of Defense Chuck Hagel ang pagpapadala pa ng kanilang aircraft carrier na USS George Washington (CVN 73) at iba pang US Navy ships upang maging mabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Pilipinas.
Ayon sa US Embassy sa Manila, ang aircraft carrier na may sakay na 5,000 tripulante at maÂhigit 80 aircraft, na nasa Hong Kong para sa port visit ay agad na pinaresÂponde patungo sa Pilipinas at inasahang nakarating na kagabi.
Kasama ng nasabing carrier na dadagsa sa bansa ang mga cruisers na USS Antietam (CG 54), USS Cowpens (CG63) at ang destroyer USS Mustin (DDG 89).
Papunta na rin umano sa bansa ang supply ship USNS Charles Drew (T-AKE-10) na susundan ng mga nabanggit na grupo ng cruisers habang papalapit sa Pinas.
Unang nakarating ang USS Lassen (DDG 82) kamakalawa sa bansa habang ibinaba ng USS George Washington ang kargang Carrier Wing Five (CVW-5) na tumutulong ngayon sa relief opeÂrations ng pamahalaan sa Visayas.
“CVW-5 is a collection of aircraft designed to perform various functions including disaster relief and includes the “Golden Falcons†of Helicopter Sea Combat Squadron 12 flying the MH-60S Seahawk; and the “Saberhawks†of Helicopter Maritime Strike Squadron 77 flying the MH-60R Seahawk,†ayon sa US Embassy.
Ang mga barko at eroplano ng Estados Unidos ay magsisilbing karagdagang ayuda ng US upang magbigay ng humanitarian assistance, supplies at medical care sa mga biktima ng bagyo sa Visayas bilang suporta sa pamahalaan at Armed Forces of the Philippines.
Ang mga barko ng US ay naka-istasyon sa loob ng 48 hanggang 72 oras.