MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang na nag-walkout si Pangulong Benigno Aquino III sa disaster meeting kamakalawa sa Tacloban City.
Ayon kay PCOO Assistant Secretary Rey Marfil, walang katotohanan na nag-walkout si Pangulong Aquino sa disaster meeting kasama ang ilang negosÂyante mula sa Tacloban City nang bumisita ang Pangulo sa sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’.
Sinabi ni Asec. Marfil, lumabas lamang ng kuwarto si Pangulong Aquino upang magpunta sa comfort room at agad na bumalik din sa pulong.
Wika pa ni Marfil, walang katotohanan na iniwan ng chief executive ang pagpupulong dahil nagpaunlak pa nga ng panayam sa media si PNoy.
Magugunita na iniulat na nag-walkout si Pangulong Aquino sa nasabing pulong matapos mairita sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) kaugnay sa 95 percent na tinamong devastation ng lungsod.