Star-Damayan tinulungan...Gen. Purisima pinuri si P/Insp. Dura
MANILA, Philippines - Pinapurihan ni PNP Chief Allan Purisima si PNP Insp. Derick Bajenting Dura at mga tauhan nito matapos ipabatid ni Miguel Go Belmonte (MGB), CEO/Publisher ng Star Group of Publications,ang pasasalamat sa ginawang tulong nito matapos magbigay ng ‘relief goods’ ang grupo ng Star-Damayan sa mga biktima ng lindol sa Loon, Bohol.
Sinabi ni Belmonte, na ipinakita ni Dura ang hitik sa pagtulong sa kapwa ng magtungo ang grupo ng Star-Damayan sa isang lugar sa Loon, Bohol para mamigay ng tulong sa may 3,000 benipesaryo ng relief packs.
“Kahit batang police pa si Dura, 23 years old, ay nagpamalas ito ng kabaitan, paggalang at pagtulong hindi lamang sa mga taga-Loon kundi maging sa amin grupo kahit na ang kampo nila sa nasabing lugar ay winasak din ng lindol,’ sabi ni MGB.
Si Dura, Officer-in-Charge ng 4th Regional Public Safety Maneuver Company sa Sitio Lawis, Catagbagcan Norte, Loon, Bohol at alumnus ng PNPA Masaligan Class of 2011.
Ayon kay MGB, bata pa lang ay nahubog na si Dura sa totoong serbisyo publiko, isang katangiang likas sa kanya.
“Ang ganitong klase ng pulis ang magpapa-angat sa imahe ng PNP at magbibigay ng ‘confidence’ sa publiko na ang pulis ay ‘service oriented,†pahayag pa ni MGB.
- Latest