MANILA, Philippines - Nagdeploy na kahaÂpon ng karagdagang 150 man police contingent ang Philippine NatioÂnal Police (PNP) upang tumulong sa search, rescue at rehabilitation operations sa Leyte partikular na sa Tacloban City na grabeng hinagupit ng super bagyong Yolanda.
Ang nasabing PNP contingent ay sumakay ng C130 cargo plane ng PhiÂlippine Air Force na may kargang mga relief goods para sa paÂngangailangan ng mga evacuees.
Dalawang C-130 planes din ang nagtungo na kahapon ng umaga sa Tacloban sakay ang AFP medical teams, 12,000 pounds ng relief goods at power generators, communications equipment at water purifiers.
Gustong matiyak ng Pangulo na makakaabot sa mga biktima ang mga relief goods lalo na ang pagkain.
Pinapa-retrace na rin ng Pangulo sa DOST ang dinaanan ng bagyo para mabatid kung aling lugar ang pinaka naapektuhan.
Nakatakdang bumuo ng all-weather communication system ang DOST na magagamit para sa mga kalamidad na taun-taong tumatama sa bansa. (Joy Cantos/Malou Escudero)