OFWs na apektado ng Saudization tinutulungan

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Ma­lacañang na tinutulungan na ng gobyerno ang mga overseas Filipino workers na apektado ng Saudization kung saan bumabalik na sa bansa ang mga Pinoy na ilegal na nagta-trabaho sa Saudi Arabia.

Tiniyak ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na may programa ang DOLE para sa mga OFWs na gusto na lamang manatili sa Pilipinas at mayroon silang tinatawag na reintegration program.

Nakaalalay din ang DOLE, POEA at OWWA para sa mga OFWs mula sa Saudi Arabia na gusto namang magtrabaho sa ibang bansa.

Inihayag naman ni Valte na wala pa silang natatanggap na ulat tungkol sa sinasabing “nationalization policy” ng ibang bansa katulad ng “emiratization” ng UAE lalo na sa Dubai kung saan ang polisiya ay halos katulad din umano ng Saudization kung saan mas bibigyang prayoridad ang kanilang mga mamamayan na mabigyan ng trabaho.

 

Show comments