MANILA, Philippines - Mahigit 100 mga bangkay ang nagkalat at nagkapatong-patong na sa mga kalsada ng Tacloban City, Leyte.
Ito ang makapanindig balahibong pagsasalarawan ni Lt. Jim Aris Alagao, spokesman ng AFP Central Command base sa search, rescue and retrieval operations na isinasagawa ng Army’s 8th Infantry Division (ID) sa Tacloban City na pinaÂkagrabeng sinalanta ng super bagyong Yolanda.
“As to the estimates, maraming marami ang patay makapanindig balahibo ito, we already sent 100 body bags requested in the area,†pahayag ni Alagao sa phone interview.
Sa isang television interview kahapon, kinumpirma ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director John Andrew na base sa report ng kanilang station manager sa Tacloban City ay nasa 100 ang nagkalat na bangkay sa kalsada at tinatayang mahigit rin sa 100 ang sugatan.
Ayon pa kay Alagao, nilumpo ng mala-halimaw na bagyo ang Tacloban City kung saan ultimong maliliit na bahay na gawa sa mahinang klase ng materyales ay nabura sa mapa at naghambaÂlang ang mga nabuwal na poste ng kuryente, kable, punong kahoy at napinsala rin ang communications lines.
Bunga ng insidente ay marami pang mga lugar ang walang supply ng kuryente.
Iniulat naman ni Cebu Provincial Office (PRO) VII DirectorP/Chief Supt. Danilo Constantino na tatlo ang nasawi sa baÂyan ng Medellin, isa ang nabagsakan ng punong kahoy habang dalawa ang nalunod at 3 pa ang nawawala.
Kabilang pa sa mga nasawi, ayon naman sa PNP ay ang tatlo sa Coron, Palawan, dalawa sa Antique, dalawa sa IloÂilo, isa sa Capiz at dalawa sa Bugasong, Antique.
Sa ulat naman ng NDRRMC, apat pa lamang ang nairekord nilang nasawi dahil sa mabagal na komunikasyon na kinilalang sina Enex Deinia, 15, nakuryente sa San Jacinto, Masbate; Regie Bucoy, 2 anyos, tinamaan ng kidlat sa Zamboanga City; Jimmy Cabilan, 56, nakuryente naman sa Surigao del Sur at si Rhandy Cejar, 56, nakuryente sa Calinog, Iloilo.
Apat ang nawawala na sina Ceclito Baluntag ng San Carlos City, Cebu; Manuelito Casipong, 35, ng Talisay City, Cebu; Emmanuel Gonzales, tinataÂyang nasa 50-55 anyos at Richard Gonzales; paÂwang ng Agdangan, Quezon na nangisda sa gitna ng masungit na panahon.
Sa report naman ni DSWD Director Rey Macuto sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 4,093,104 milyong katao ang apektado ng bagyo sa 36 lalawigan, 201 munisipalidad at Regions IVA, IVB, V, VI, VII,VIII,X, XI at Caraga.
Sa nasabing bilang ay 315,136 katao ang inilikas kung saan 309,397 ang nasa evacuation center at 5,769 ang nakituloy na lamang sa kanilang mga kamag-anak sa ligtas na lugar.