MANILA, Philippines - Ipinakilala na sa publiko ng isa sa mga naÂngungunang agriculture conglomerate sa bansa ang sarili nilang brand ng produkto na inaasahang makakatulong ng husto sa mga magsasaka lalo na sa mga nag-aalaga ng hayop tulad ng baboy at manok.
Sa isinagawang launÂching ng Calata Corporation sa Crowne Plaza Galleria Hotel sa Ortigas CenÂter sa Pasig City, ipinakilala ng kumpanya ang Golden Bean Feeds, “ Ang Bagong Kakampi ng Bayan. “
Ayon kay Joseph Calata, Chairman at Chief Executive Officer ng Calata Corp., ang Golden Bean Feeds ay nabuo sa pamamagitan ng kanilang partnership o pakikipagtulungan sa isa ring higanteng agricultural company mula sa China.
Ito ay ang New Hope Group na isa sa pinaÂkamalaking producer ng feeds sa nabanggit na bansa at siya ring pinakamaÂlawak na supplier ng karne, itlog at dairy products na tinatayang kumikita ng 8.8 bilyong dolyar kada taon.
Sinabi ni Calata na inaÂasahan nilang ang GolÂden Bean Feeds ay hindi lamang magbibigay ng malaking kita sa kumpanya kundi makikinabang din dito ang maraming mga magsasaka pati na ang kanilang pamilya.
Sinabi ni Calata na sa bawat benta o mabibiling Golden Bean Feeds, ang ilang bahagi nito ay mapupunta sa isang foundation para suportahan ang pag-aaral ng mga anak ng mga magsasaka pati na sa livelihood at human development program na kanilang ginagawa sa buong bansa.