MANILA, Philippines - Nasa 100 pulis ang itatalaga ng PNP upang tiyakin ang kaligtasan ni Janet Lim-Napoles na sinasabing may banta sa buhay sa pagtungo nito sa Senado ngayong umaga.
Ayon kay PNP-SAF Director C/Supt. Carmelo Valmoria, nagsagawa ng dry run kahapon ang PNP-Special Action Force sa Fort Sto. Domingo, Sta Rosa, Laguna para matantiya kung ilang oras at minuto ang gugugulin ng PNP sa paghahatid kay Napoles patungong Senado.
Hindi naman tinukoy kung ilang sasakyan ang magko-convoy galing Fort Sto. Domingo patungong Senado at anong oras ito aalis dahil delikado umano ang buhay ni Napoles kaya hindi ito maaring isapubliko.
“It can be anything, everything is an option,either by land or by air,†ani PNP Chief Public Information Office PSr. Supt. Reuben Theodore Sindac ng matanong naman kung ano ang pagsasakyan kay Napoles sa pagi-escort rito patungong Senado.