MANILA, Philippines - Walang matatanggap na tulong pinansyal mula sa Saudi Royal family para sa kakailanganing P45 milyong blood money ang OFW na si Joselito Zapanta na bibitayin sa Saudi Arabia.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, hindi tumugon ang Royal family sa apela ng pamahalaan na tulungan si Zapanta sa blood money na nahaharap sa pagbitay sa pamamagitan ng pagpugot sa kanyang ulo.
Sinabi ni Romulo na mukhang walang aasahang tulong ang pamilya ni Zapanta mula kay Saudi King Abdullah dahil ang napatay ng una ay hindi Saudi citizen kundi isang Sudanese national.
Ipinaliwanag ni del Rosario na magkaiba ang kaso ng nakalayang si Rodelio “Dondon†Lanuza na tinuluÂngan ng Saudi King, sa kaso ngayon ni Zapanta.
Si Lanuza ay nakapatay ng isang Saudi national dahil sa pagtatanggol sa sarili habang si Zapanta ay napatawan ng parusang bitay dahil sa pagpatay at pagnanakaw sa kanyang Sudanese landlord noong 2009.
“Because the victim is from Sudan, I don’t think the royal family would be a party that we could count on,†ani del Rosaio sa isang press briefing sa DFA.
Magugunita na malaki ang naging papel ng Hari ng Saudi sa pagkakaligtas sa bitay at paglaya ni Lanuza matapos na akuin nito ang kakulangang P25 milyon (2.3milyon Saudi Riyal) mula sa kabuuang P32 milyon (3 milyong Saudi Riyal) na hinihingi ng pamilya ng biktima.
Nabigo ang pamilya ni Zapanta na ibigay ang P45 milyong blood money sa itinakdang deadline noong Nob. 3, 2013 kaya inaasahan na ano mang araw ay ipatutupad ang pagbitay sa kanya.
Wala pang sagot ang pamilya ng biktima sa apela ng DFA na magbigay ng panibagong extension o reprieve at mapababa ang nasabing blood money sa tulong ng Sudanese Embassy sa Saudi na siyang nangakong makikipag-ugnayan sa pamilya ng biktima.