MANILA, Philippines - Nagulantang kahapon ang mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos na ma-hacked ang website nito na mga hubo’t hubad na katawan ng mga babaeng Russian escort service ang laman.
Nakiusap naman si NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario sa mga hackers na huwag i-hacked ang kanilang website dahil importante ito sa pagsagip ng buhay, pagbibigay babala sa mamamayan lalo na at paparating na ang super typhoon Yolanda.
Nabatid na ang mobile version ng Office of Civil Defense http://www.ocd.ndrrmc.gov.ph ay napasok ng mga hackers kung saan sinumang magbukas ng website ay pornography site ang makikita.
“A server where we upload was hacked. But if we use laptops and desktops it’s working out fine,†anang nailing na si del Rosario.
Tiniyak naman nito na inaÂayos na ang nasabing problema dahil mahalaga ang pagbibigay babala sa mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad.
Ang na-hacked na website ay ang Project DINA ( Disaster Information for Nationwide Awareness Project ) o ang bagong disaster warning scheme na inilunsad kahapon sa Camp Aguinaldo.
Sa ilalim ng Project Dina ay mabibigyan ng babala ang publiko laban sa panganib ng kalamidad tulad ng lindol, bagyo, tsunami, flashfloods, landslides, sunog at maging ang tamang paggamit ng survival kits.