MANILA, Philippines - Matapang na lumantad at lumahok sa tinawag nilang “A Million Mask Protest†ang ilang miyembro ng grupong Anonymous Philippines para ipanawagan ang pagbuwag sa pork barrel at maghayag ng kanilang saloobin kontra korapsyon.
Tinatayang nasa 50-60 ang mga ito na pawang nakasuot ng maskara subalit ayon sa tagapagsalita ng kanilang grupo na tumangging ibigay ang pangalan ay 2 libo ang inaasahan nilang lalahok dito na manggagaling pa sa iba’t ibang lalawigan.
Subalit hanggang sa sa tapat ng Batasan Hills National High School lamang pinayagang mag-rally ang mga ito at hindi pinalapit sa Batasan complex ng mga nakaharang na barikada ng pulis.
Bilang mga identified hacker, kung saan ilang miyembro nila ang kabilang umano sa nag-hack ng website ng ilang govt agency, handa raw silang maaresto sakaling magtangka ang mga awtoridad.
Nanindigan ang mga ito na wala silang ginawang masama at nagÂhayag lang umano sila ng kanilang saloobin.
May limang miyembro naman ng grupo ang dinala sa presinto para imbestigahan at kunin ang identity subalit hindi naman sila kinulong at sa huli nagkasundo ang pulisya at mga protester na payapang mag-disperse dahil wala silang permit.