^

Bansa

7.5M Pinoy walang kubeta

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Milyun-milyong Pinoy ang basta na lamang dumudumi kunsaan-saan dahil sa kawalan ng toilet bowl o kubeta.

Ito ang ibinunyag ng “One Million Clean Toilet Movement” sa Lungsod ng Maynila na pinangunahan ng United Nations Children Emergency Fund o UNICEF, Philippine Public Health Safety,  Lungsod ng Maynila, Pilipinas Shell at Unilever, bilang bahagi ng suporta sa World Toilet Daw sa November 19.

Nabatid na umaabot sa 7.5 million Pinoy ang walang kubeta at sa labas na lamang ng kanilang mga bahay nagsisidumi.

Karamihan sa mga walang malinis na palikuran ay mga mamamayan sa Masbate, Negros Occidental, Maguin­danao, Tawi Tawi at iba pang lugar gayundin sa Luzon.

Sa Maynila, binanggit ang mga matataong lugar gaya ng Isla Puting Bato, Baseco, Radial 10, sa Tondo, bahagi ng Quiapo at iba pang naninirahan sa mga gilid ng ilog at mga kalsada.

ISLA PUTING BATO

LUNGSOD

MAYNILA

NEGROS OCCIDENTAL

ONE MILLION CLEAN TOILET MOVEMENT

PHILIPPINE PUBLIC HEALTH SAFETY

PILIPINAS SHELL

PINOY

SA MAYNILA

TAWI TAWI

UNITED NATIONS CHILDREN EMERGENCY FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with