^

Bansa

HK may banta sa Pinas

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbanta kahapon ang pamahalaang Hong Kong na magpapataw sila ng sanction o parusa laban sa Pilipinas kung hindi pormal na hihingi ng apology at hindi bibigyan ng tamang kompensasyon ang mga biktima ng Manila hostage drama noong 2010. 

Hindi binanggit ng HK leader na si Leung Chun-ying kung anong klaseng parusa ang nag-aantay para sa Pilipinas dahil sa pagmamatigas ni Pangulong Aquino na mag-formal apology sa Hong Kong kaugnay sa naganap na hostage crisis sa Quirino Grandstand na ikinasawi ng walong Hong Kong tourists.

Nakatakdang desisyunan ng mga mambabatas sa HK ngayong Miyerkules ang panukala na alisin o suspindihin ang pagbibigay ng libreng visa sa mga turistang Pinoy na papasok sa Hong Kong.

Nais din ng ilang mambabatas sa Hong Kong na iti­gil ng kanilang pamahalaan ang pakikipag-negosasyon sa kalakalan at air routes at pinaboboykot ang lahat ng goods o produkto mula sa Pilipinas.

HONG KONG

LEUNG CHUN

MIYERKULES

NAGBANTA

NAKATAKDANG

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

PINOY

QUIRINO GRANDSTAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with