MANILA, Philippines - Hindi pinagbigyan ng Senate Blue Ribbon Committee ang kahiliÂngan ni Janet Lim-Napoles na i-pospone ang kanyang pagharap sa imbestigasyon ng komite sa Huwebes, Nobyembre 7 tungkol sa P10 bilyong pork barrel scam.
Ayon kay Sen. Teofisto Guingona III, itutuloy ng komite ang pagdinig dahil maari namang bigyan ng abogado si Napoles.
Nais sana ni Napoles na mabigyan ng sapat na oras para kumuha ng bagong abogado matapos magbitiw sa kanya si Atty. Lorna Kapunan.
Sabi ni Guingona, puwede namang humingi ng abogado si Napoles sa Public Attorney’s Office (PAO) sa pagharap nito sa Huwebes.
Bukod kay Napoles, inaasahang haharap din sa pagdinig ang mga whistle blowers sa paÂngunguna ni Benhur Luy.
Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Edgardo Angara na si Napoles lamang ang nakakaalam sa sinasabing pork barrel scam kaya mahalaga ang pagharap nito sa Senado.
Wika naman ni Sen. Alan Peter Cayetano, isang delaying tactic lamang ang pagnanais ni Napoles na ipagpaliban ang pagharap sa Senado.
“Lokohan. Delaying tactics ang latest request ni Miss Napoles,†sabi ni Cayetano.
Ani Cayetano, may legal team si Napoles kaya hindi dapat nitong isangkalan ang kawalan ng abogado upang hindi dumalo sa pagdinig.