MANILA, Philippines - Tatlong linggo matapos na sirain ng lindol ang karamihan sa mga silid-aralan sa Central Visayas, nagbalik-eskwela na rin ang daan-daang klase sa Cebu kahapon, gamit ang mga tent at iba pang mga temporary shelter.
Ayon sa Department of Education (DepEd), may 804 klase sa Cebu ang idinaos sa mga tent at tanggapan ng mga principal, home economics classrooms, social halls at iba pang non-academic rooms.
Sinabi ni Dr. Arden Monisit, provincial superintendent ng DepEd Cebu, ang 804 silid-aralan sa elementary at high schools ay idineklarang hindi ligtas gamitin matapos yanigin ng 7.2 lindol ang kanilang lalawigan noong Oktubre 15.
Kabilang sa mga public schools sa Cebu City ang nagklase sa mga tent kahapon ay ang Kalunasan Elementary School, Labangon Elementary School, San Nicolas Elementary School, Gothong Memorial National High School, Camp Lapu-Lapu Elementary School, Apas National High School, Tejero Elementary School at Barrio Luz Elementary School.