Tulong ng Phl government tiniyak: 2,000 Pinoy sa Saudi lalambatin
MANILA, Philippines - May 2,000 iligal na mga Overseas Filipino Worker sa Saudi Arabia ang napipintong arestuhin sa pagsisimula muli ngayon ng kampanya ng pamahalaang Saudi laban sa mga iligal na migrante roon.
Sinabi ng Migrante International na 1,700 undocumented OFW ang nananatiling stranded sa Jeddah habang libu-libo pa ang nakakalat sa Riyadh, Al Khobar at Dammam.
“Nangangamba kami sa mas grabeng mangyayari. Inaasahan namin ang mas matinding pangÂhuhuli ng pamahalaang Saudi sa aktuwal na araw ng pagbalik ng kampanÂya,†sabi ni Migrante Chairman Garry Martinez sa isang pahayag.
Sinabi ni Martinez na masisisi ang pamahalaan sa pagkabigong mapauwi ang mga iligal na manggagawang Pilipino.
Tinitiyak naman ng MaÂlacañang na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang mapabilis ang proÂseso ng pagpapauwi sa Pilipinas ng mga Overseas Filipino Worker na apektado ng Saudization sa Saudi Arabia, ayon kay PCOO Secretary Herminio Coloma Jr.
Sinabi ni Coloma sa isang panayam sa Radyo ng Bayan na inatasan na ni Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario si DFA Undersecretary Jesus Yabes na personal na makipagpulong sa mga kinatawan ng pamahalaang Saudi hinggil sa ibayo pang pagpapabilis ng repatriation ng mga apektadong OFW.
Aniya, puspusan ang ginagawang pagkilos ng pamahalaan upang paÂngaÂlagaan ang mga OFW’s na naghahanapbuhay sa Saudi Arabia sa harap ng pagtatapos ng palugit ng Saudization policy ng pamahalaang Saudi.
Wika pa ni Coloma, kamakailan lamang lumiham ang pamahalaan, sa pamamagitan ni Pangalawang Pangulo Jejomar Binay na siya ring Presidential Adviser on OFW Concerns kay His Royal Highness King Abdullah bin Abdulaziz Al Saud upang pormal na hilingin ang pagpapalawig ng palugit sa ating mga kababayan upang maisaayos ang kanilang mga papeles at makapag-trabaho nang legal sa naturang bansa.
Sa huling pagtaya, umaabot na sa 4,371 Filipino workers ang nakauwi sa Pilipinas samantalang humigit-kumulang 9,000 ang nabigyan na ng kaukulang travel documents, at mga 1,500 naman ang naghihintay ng kinakailangang clearance mula sa immigration.
“Makakaasa po ang buong bayan na patuloy po ang pagbibigay ng tulong na legal at iba pang necessary assistance ng ating pamahalaan sa ating mga kababayan na apektado ng nasabing patakaran,†paliwanag pa ni Coloma.
Idinagdag pa ng PCOO chief, bukod sa tulong legal na ipinapaabot sa mga manggagaÂwang ibig pang manatiling maghanapbuhay sa Saudi, meron ding nakaantabay na tulong pinansyal ang pamahalaan sa ilalim ng reintegration program ng Department of Labor and Employment.
Sinabi pa ni Coloma na naglaan ng P2 bilyon ang DOLE, DBP, at Land Bank para sa programang ito na maaaring magamit ng mga kababayan sa pagpapatayo ng negosyo.
Sa pagsusuri ng DOLE at DFA, magiging limitado ang epekto ng Saudization dahil nakapaghanda na ang pamahalaan ng mga mekanismo na nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na makalipat sa ibang kompanya sa Saudi o pumasok sa ibang propesyon, lalo na sa mga trabahong hindi nakalaan o natatangi sa mga mamamayan ng Saudi.
Ayon naman kay DFA Spokesman Raul Hernandez, sumulat na ang DFA sa Saudi government upang hilingin na magbigay ng panibagong amnesty upang mabigyan pa ng pagkakataon ang mga undocumented OFWs na maiayos ang kanilang working status at travel documents para makauwi sa Pilipinas.
Ang Nob. 3 deadline ay ang ikalawang reprieve o palugit na ibinigay ng Saudi government para sa mga illegal foreign workers upang ituwid ang kanilang working status at pananatili sa Saudi bunsod sa paghihigpit ng kanilang immigration at labor regulations o Saudization policy.
Sa ilalim ng Saudization policy, prayoridad ng Saudi government na mabigyan ng trabaho ang kanilang mamamayan kaysa sa mga dayuhang manggagawa.
Sa kabila ng apela ng pamahalaan, inianunsyo ng Saudi Ministries of Interior at Labor na hindi na sila magbibigay ng panibagong extension o amnesty sa “correction of residency†sa mga dayuhang manggagawa.
Nabatid na ang mga iligal na Pinoy na mahuhuli ay pagmumultahin at makukulong ng tinataÂyang isa hanggang anim na buwan at saka ipatatapon pauwi sa Pilipinas.
- Latest