Tulong ng DSWD sa mga sinalanta ng lindol sa Bohol nagpapatuloy

MANILA, Philippines - Patuloy sa pamamahagi ang  Department of Social Welfare and Development (DSWD)  ng pang-dalawang linggong relief goods  para sa mga biktima ng malakas na  lindol  sa Bohol.

Kahapon ng alas-8:00 ng umaga, ipinamahagi ng DSWD katulong ng mga opisyal ng local na pamahalaan ng Bohol ang mga relief goods sa mga residente ng Sagbayan, Bohol.

Bago ito, nakatanggap na ng ayuda ang mga taga  Balilihan, San Isidro, Catigbian, Antequera, Calape, Cortes, Maribojoc, Carmen at Loon sa Bohol.

Unang binigyan ng tulong ang mga biktimang may hawak na blue cards na walang perang pambili ng pagkain. Ang food packs  ay kinabibilangan ng   20 kilo ng bigas at tig-10 piraso ng lata ng sardinas, meatloaf, noodles, kape at choco energy drink.

Sinasabi ng DSWD na  nasa early recovery stage na ang mga biktima ng lindol  makaraan ang mahigit dalawang linggo nang tumama  ang magnitude 7.2 lindol sa Bohol.

Show comments