MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Alberto Muyot na planong gawing optional na lamang ang serbisyo ng mga guro sa tuwing nagkakaroon ng halalan sa bansa.
Ayon kay Usec. Muyot, sa ngayon ay nakasalang na sa kongreso ang panukala na inihain ng Teachers Dignity Coalition (TDC) na naglalayong amyendahan ang election code sa bansa at kapag naisabatas ito ay doon na magsisimula ang pagiging optional na lamang ang pagsisilbi ng mga guro sa tuwing election.
“We have party-list representatives to take the lead in amending the election code,†ani Usec. Muyot.
Sinabi ni Usec. Muyot, mismong ang pamunuan ng DepEd ay pabor sa isinusulong na panukala ng TDC na gawing optional na lamang ang paninilbihan ng mga guro sa eleksyon.
Aniya, sa ngayon ay napipilitan obligahin ang mga guro na magsilbi sa election kahit sa mga mapanganib na lugar tulad ng Autonomous Region in Muslim MinÂdanao (ARMM) at iba pang lugar na mainit na naglalaban ang mga magkakatunggaling pulitiko.