MANILA, Philippines - Magsasagawa ng kauna-unahang assembly sa darating na Lunes ang Partido Kalikasan (Greens PH) sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon kay Rio Magpayo, provincial coordinator ng Partido Kalikasan, gaganapin sa Lunes mula 1-6 pm sa barangay Tikay, Malolos ang kauna-unahang provincial assembly na inaasahan nilang dadaluhan ng iba’t ibang orgaÂnisasyon sa lalawigan.
Sabi ni Magpayo, plano din nilang lumahok sa 2016 elections bilang partido pulitikal kung saan ay maglalagay sila ng mga kandidatong local at national.
Maghahain din ang Partido Kalikasan sa Commission on Elections (Comelec) ng kanilang accreditation bilang partido pulitikal. Ang Partido Kalikasan ay itinayo noong 2003 na ang layunin ay protektahan ang kalikaÂsan.