^

Bansa

Vinta umalis na, nanalasa sa N. Luzon

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa katao ang nawa­wala habang nabuwal ang mga puno, barado ang mga kalsada at dumanas ng pagkawala ng supply ng kuryente ang ilang bahagi ng Northern Luzon sanhi ng hagupit ng bagyong Vinta.

Ayon sa ulat, isang mangingisda na kinilalang si Loridel Baldos ng San Juan, Abra ang nawawala matapos na tangayin ng malakas na agos sa ilog sa kasagsagan ng pa­nanalasa ni Vinta.

“The national road from Aparri to Tuguegarao is not passable due to fallen trees along the road,” ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Nabuwal din ang maraming punong kahoy sa mga bayan ng Conner, Luna, Pudtol at Sta. Marcela sa Apayao.

Umapaw naman ang tubig baha sa tulay ng Penablanca, Cagayan at Pinacanauan Bridge sa Tuguegarao City na hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan dahil sa mataas na tubig.

Nawalan din ng supply ng kuryente sa ilang bahagi ng hilagang Cagayan, Apayao at ma­ging sa Laoag City, Ilocos Norte.

Umaabot naman sa 100 pamilya ang inilikas  kabilang dito ang nasa 305 katao sa bayan ng Gonzaga, Cagayan at 77 sa Maconacon, Isabela.

Samantala, kahapon ng hapon ay lumabas na ng bansa si Vinta at nga­yong Sabado ay inaasahang nasa 280 kilometro na ito timog ng Hongkong.

APAYAO

ILOCOS NORTE

LAOAG CITY

LORIDEL BALDOS

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NORTHERN LUZON

PINACANAUAN BRIDGE

SAN JUAN

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with