SSS sarado sa Nob. 2 at 30
MANILA, Philippines - Dahil holiday, sarado ang alinmang branches ng Social Security System (SSS) sa buong bansa ngayong Nobyembre 2 at 30, pawang araw ng Sabado.
Ang anunsiyo ay ginawa ng SSS dahil nitong nakaraang Oktubre ay binuksan ng SSS ang lahat ng branches nito ‘pag araw ng Sabado nationwide para maserbisyuhan ang mga employers at miyembro tuwing Sabado na hindi kayang makipag-transaksiyon sa SSS tuwing weekdays o Lunes hanggang Biyernes.
Pero dahil pumatak ng holiday ang dalawang nabanggit na Sabado ay ipinasyang isara muna ito ng ahensiya sa publiko.
Ngayong Nobyembre 2 ay ginugunita ang All Souls’ Day samantalang sa Nobyembre 30 ay Bonifacio Day.
Dahil sa pagkakasara sa dalawang araw na nabanggit ay maaari namang mag-transact ng business ang mga employer at mga miyembro sa susunod na araw ng Sabado sa Nobyembre 9.
- Latest