^

Bansa

Senador na tumanggap ng illegal contributions ilalantad ng Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masusing pinag-aara­lan ngayon ng Commission on Elections (Come­lec) ang paglalabas ng listahan ng mga kandidato na tumanggap umano ng illegal contributions noong May 2013 midterm elections, na kinabibilangan ng mga kasalukuyang nakaupong senador.

Ngunit tumanggi muna si Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na tukuyin kung sinu-sino ang mga naturang kandidato dahil pinag-aaralan pa umano nila ang isyu, ngunit tiniyak  na may mga senador.

Biro pa ng poll chief, sakaling aalisin  ang mga nanalong kandidato ay mawawalan umano ng mga opisyal ang pamahalaan kung aalisin, na mistulang pahiwatig na mara­ming nanalong kandidato ang kasama sa listahan.

“I won’t reveal the names for now. But we are studying the issue. We might lose the government if we remove them (from office),” dagdag pa ni Brillantes.

Ayon naman kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, commissioner  in charge sa campaign financing, pinag-aaralan na nila ang posibilidad na sampahan ng election offense ang mga prohibited donors.

Nilinaw naman ni Brillantes na uunahin muna nilang asikasuhin ang disqualification cases ng mga kandidato sa katatapos na October 28 barangay elections bago isapinal ang mga reklamo sa illegal contributions.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang   “prohibited contributions” ay gaya ng donasyon mula sa mga public at private financial institutions, public utilities, mining companies, government  contractors, mga kumpanya na nabigyan ng government franchises at loans, educational institutions na tumatanggap ng public funds, empleyado ng Civil Service at Armed Forces of the Philippines at mga dayuhan o mga dayuhang korporasyon.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BRILLANTES

CIVIL SERVICE

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES JR.

COMELEC COMMISSIONER CHRISTIAN ROBERT LIM

OMNIBUS ELECTION CODE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with