MANILA, Philippines - Ang Soroptomist ay isang pandaigdigang orga-nisasyon ng negosyante at professional na mga babae na ang misyon ay maiangat ang pamumuhay ng kababaihan sa pamamagitan ng mga programang magbibigay sa kanila ng lakas sa lipunan at sa ekonomiya.
Tinututukan ng mga programa ng Soroptomist ang edukasyon, pagbibigay ng lakas at pagbibigay ng kakayahan sa kababaihan.
Buod ng programa nito ang Women’s Opportunity Award (WOA) na naglala-yong tulungan ang kababaihan sa pamamagitan ng paglalaan sa kanila ng mga oportunidad at kasangkapan sa pamamagitan ng gantimpalang salapi, mapabuti ang kanilang edukasyon, kaka-yahan at tsansang maka-pagtrabaho.
Paborableng kandidato para sa WOA ang mga babae na tanging bumubuhay sa kanilang pamilya, nahaharap sa mga hamon ng buhay tulad ng sex slavery, domestic violence, abuso sa droga at karalitaan at walang tinapos na pinag-aralan.
Ang Soroptimist InternaÂtional of the Philippines Region (SIPR) na kasalukuyang nasa ilalim ng liderato ni Region Governor Monda A. Garcia ay nagsasagawa ng yearly search para sa WOA candidates.
Para sa mga detalye, kontakin si Ms. Nerie Escoto, Executice Director ng SIPR sa 706-2366. Deadline sa aplikasyon ay sa Nob. 15, 2013.