^

Bansa

PSC, POC officials inireklamo ni Trillanes

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinampahan ni Senator Antonio Trillanes IV ng reklamong malversation sa Office of the Ombudsman ang mga pinuno ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) kaugnay sa pagpapalabas ng pondo sa mga umano’y pekeng National Sports Associations.

Ayon kay Trillanes, ang kaso ay isinampa niya laban kina POC president Jose “Peping” Cojuangco Jr. at PSC chairman Richie Garcia.

Inihayag mismo ni Trillanes ang pagsasampa ng reklamo sa Ombudsman sa hearing ng budget ng PSC para sa 2014. Nagbanta rin si Trillanes na babawasan ang panukalang budget ng PSC ng P10 milyon sa sandaling isalang na ito sa plenaryo. Ang PSC ay may panukalang P178 milyon budget para sa 2014.

Sinabi ni Trillanes na dapat matigil ang paglalagay ng pondo sa mga pekeng NSAs.

Nabatid kay Table Tennis Association of the Philippines o TATAP, sa pamamagitan ng Chairman nito na si Jacinto Omilla Jr., nagbigay umano ng pondo ang PSC na umaabot sa P2,327,465 sa grupo ni Ting Ledesma na nagpapakilala bilang legal na opisyal ng TATAP, bagaman merong nakabinbin na kaso sa Regional Trial Court ng Maynila kung sino ang mga legal na opisyal ng grupo. 

Ani Omilla, dahil naipagbigay alam na kay Garcia ang nakabinbing kaso, marapat lamang na itinigil nito ang pagbibigay pansin sa grupo ni Ledesma.

Inihayag naman ni Garcia na dumalo sa budget hearing na nakahanda siyang sagutin ang kaso sa “proper forum” at ipinaliwanag pa nitong ang PSC ay nagpapalabas lamang ng pondo sa mga NSA na kinikilala ng POC at International Olympic Committee base sa ilalim ng Republic Act 6847.

Si Sen. Trillanes ang kasalukuyang pangulo ng TATAP.

ANI OMILLA

COJUANGCO JR.

GARCIA

INIHAYAG

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

JACINTO OMILLA JR.

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with