MANILA, Philippines - Pumanaw na kahapon ang dating Supreme Court chief justice na si Andres R. Narvasa.
Ayon kay SC spokesman Atty. Theodore Te, binaÂwian ng buhay si Narvasa, 84, dakong alas-6:05 ng umaga. Si Narvasa ang ika-19 na punong mahistrado ng SC at nagsilbi bilang chief justice mula Dis. 1, 1991 hanggang Nob. 30, 1998.
Naging bahagi din siya ng Agrava Fact-Finding board na nanguna sa imbestigasyon ng pagpatay noon kay dating Senator Benigno “Ninoy†Aquino Jr.
Nakapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral sa elementarya sa Colegio de San Juan de Letran, 1938 (salutatorian), secondary school sa Arellano High School, 1945 (valedictorian).
Graduate siya ng Bachelor of Laws, UST, 1951 (magna cum laude), Doctor of Laws (honoris causa), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, April 15, 1992, Doctor of Laws (honoris causa), UST, November 21, 1992, at Doctor of Laws (honoris causa), Angeles University Foundation, April 1, 1993.
Kabilang siya sa legal defense team sa impeachÂment trial ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.