Sa pananampal sa Sgt. at Arms ng Kamara Ex-solon pinagbabayad ng P200K

MANILA, Philippines - Pinagbabayad ng Court of Appeals (CA) ng ₱200,000 ang dating aktor at dating kongresista ng San Juan na si Jose Mari Gonzales matapos nitong sampalin ang da­ting  Sgt. at Arms ng House of Representatives na si Bayani Fabic, kaugnay ng Impeachment case ni da­ting pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada, 13 taon na ang  nakararaan.

Sa 19-page decision ni Associate Justice Fer­nanda Lampas Peralta, inatasan nito si Gonza­les na bayaran ng nasabing halaga si Editha Atienza Fabic, misis ni Bayani matapos na pagtibayin ang naunang desisyon ng Regional Trial Court (RTC) ng Quezon City na nag-apruba sa pagsa­sampa ng civil suit ni Editha matapos na mamatay si Bayani noong Agosto 17, 2011.

Kabilang sa mga su­mang-ayon sina Associate Justices Angelita Gacutan at Francisco Acosta.

Lumilitaw na ang dan­yos na ipinabibigay ng  QCRTC ay umaabot sa ₱600,000 (₱500,000 bilang moral damages at â‚±100,000 para sa attorney’s fees).

Ipinaliwanag ng CA na ang nasabing danyos ay hindi para parusahan ang nagkasala at payamanin ang biktima sa pamamagitan ng  defendant.

Show comments