PNoy maagang bumoto sa Tarlac

MANILA, Philippines - Maagang bumoto kahapon ng umaga si Pa­ngulong Benigno Aquino III sa kanyang hometown sa Central Azucarera de Tarlac Elementary School.

Kasama ng Pangulong Aquino sa pagboto sa barangay elections ay ang kanyang mga kapatid na sina Ballsy Aquino-Cruz at Pinky Aquino-Abellada sa Precinct 175-A sa Central Azucarera Elementary School bandang alas-11:00 ng umaga.

Nagtagal lamang ng 10 minuto ang Pangulo sa kanyang pagboto at agad din umalis sa nasabing paaralan.

 

Show comments