MANILA, Philippines - Isa umanong Amerkano ang itinalaga ni Department of Agriculture Secretary Proseso Alcala bilang hepe ng National Food Authority na isang pangunahing ahensiyang nangangasiwa sa usapin ng seguridad sa pagkain ng Pilipinas.
Ito ang ibinunyag ng aktibistang abogadong si Argee Guevarra na kumukuwestyon sa mga kaduda-dudang appointment sa matataas na posisyon sa kagawaran.
Pinuna ni Guevarra na winalambahala umano ni Alcala ang batas sa pagkakatalaga sa American citizen na si Orlan Calayag bilang administrador ng NFA.
“Ang food security ng bansa ay inilagay nito sa kamay ng isang ‘Kano’ na si Orlan Calayag. Kelan pa pumayag ang batas, kasama na ang batayang kautusan na lumikha sa NFA, sa paghirang ng isang taong minsan nang nagtakwil sa kanyang pagiging Pilipino upang pamunuan ang alinmang ahensya ng gobyerno?†tanong ni Guevarra sa kanyang pahayag.
Ayon sa pahayag ni Guevarra, si Calayag ay dating aide ni Alcala noong isa pang kongresista ang kalihim. Lumipad umano mula United States pabalik sa Pilipinas noong DisÂyembre 19, 2012 si Calayag gamit ang American Passport No. 462971672. Mahigit isang taon pagkalapag nito sa bansa, noong January 7, 2013, nakuha nito ang kanyang “dual citizenship†- lampas anim na buwan matapos nitong makopo ang appointment bilang NFA administrator na epektibo noong Hulyo 1, 2012.
Batay sa batas at sa mga kautusan ng Korte Suprema sa Maquiling vs. Comelec (G.R. No. 195649, 16 April 2013) at maging sa Mercado vs. Manzano (G.R. No. 135083, 26 May 1999), ikinatwiran ni Guevarra na: “Una, natutunaw ang iyong pagiging “natural-born citizen of the Philippines†sa mata ng batas kapag, dahil lamang sa kagustuhan mong maging “Kano†ay, minsan mo nang itinakwil ang iyong pagka-Pilipino; pangalawa, kahit na iginagawad sa iyo ang mga benepisyo ng pagiÂging isang “dual citizen†sa ilalim ng RA No. 9225, hindi awtomatikong naibabalik sa iyo ang pagiging isang “natural-born citizen of the Philippines.â€
Itinatakda ng NFA Charter na ang sinumang itatalagang NFA Administrator ay isang “natural-born†Filipino.
Kasama sa pagkakahirang ni Calayag bilang NFA administrator “na hindi dumaan sa prosesong nakasaad sa Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) Reform Law,†ayon kay Guevarra, ay ang pagkakatalaga din dito bilang Chairman ng Food Terminals Inc. at director ng Philippine Fisheries Development Corp - “mga korporasyong pag-aari at pinangangasiwaan ng gobyerno.â€