^

Bansa

Barangay polls hahataw ngayon: 55 milyon boboto

Doris Franche-Borja at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Takdang dumagsa ngayong Lunes sa iba’t-ibang presinto sa buong bansa ang may 55 milyong rehistradong botante para maghalal ng bagong mga opisyal ng barangay mula chairman hanggang mga kagawad.

Bunsod nito, pinayuhan naman ni Commission on Elections Spokesman James Jimenez ang mga botante na mas mainam na magdala ng valid ID, kahit hindi voter’s ID, para makasigurong makaboboto sa polling precinct.

Sa mano-manong pagboto, huwag gumamit ng lapis at sa halip ay gamitin ang ballpen na ibibigay sa presinto. Isulat nang buo at maayos ang pangalan ng ng kandidato  sa balota para mabasa at mabilang ang kanilang boto.

Mayroon na aniyang nakalaang marking pen sa mga polling precincts kung kaya’t hindi na rin kaila­ngang magdala ng lapis o ballpen.

Iginiit pa ni Jimenez na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng pictures sa mga “filled-up ballots” at ang pagsusuot ng mga “campaign T-shirts” sa loob ng polling areas.

Patuloy naman ni Jimenez sa kanyang mga paalalang idinaan sa microblogging site na Twitter, matapos bumoto ay bawal kunan ng litrato ang inyong balota.

Ipinaliwanag naman ni Comelec Commissioner Luie Guia ang equity of the incumbent. Sa ilalim nito, mapupunta sa incumbent at re-electionist official ang botong para sa kaapelyido niyang kandidato kung walang first name na nakasulat sa balota.

Muli rin namang ipi­naalala ni Guia ang P10,000 ambag ng bawat incumbent barangay chairman bilang pondo sa halalan.

Maaari lamang bumoto mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon. Sabi ni Guia, kung nasa presinto na ng alas-3:00, ililista ang inyong pangalan para makaboto pa. Pero kung dumating matapos kunin ang listahan, kahit sumingit pa’y hindi na makaboboto.

Matapos ang botohan, bibilangin ang boto at gagawin ang proklamasyon sa polling center. 

Kung hindi naman na­ka­boto noong Barangay Elections 2010 at sa halalan nitong Mayo, deactivated na ang inyong status at hindi na makaboboto ngayong Lunes.

Sa reklamo kaugnay ng halalan, maaaring mag-report sa Comelec hotlines na 09479059496 at 09205073255.

Bukod sa Comelec, nakahanda rin ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines.

Ito ang ipinahayag ng Malacanang sa pamamagitan ni PCOO Secretary Herminio Coloma. “Ganap ang kahandaan ng COMELEC at lahat ng ahensya ng pamahalaan para pangasiwaan ang malinis, maayos, at mapayapang halalan sa buong kapuluan. Kinikilala natin ang mahalagang tungkulin na ginagampanan ng mga gurong bumubuo ng Boards of Election Inspectors na mangangasiwa sa maayos na daloy ng pagboto sa bawat isang presinto, at ng mga mamamayang bumubuo ng mga citizens’ arms na kaagapay din ng COMELEC sa pagtiyak ng maayos na proseso ng halalan,” dagdag pa niya.

Sinabi niya na, sa gaganaping pambarangay na halalan, pangungunahan ng Pangulong Aquino ang 54 na milyong botante sa pagpili ng mga mamumuno at maglilingkod sa ating mga barangay.

Ayon sa COMELEC, 94,124 ang kandidato para sa 42,028 na posisyon ng punong barangay samantalang 715,012 naman ang kandidato para 294,196 na posisyon bilang kagawad.

Aniya, si Pangulong Aquino ay boboto ngayong umaga sa Central Azucarera de Tarlac Elementary School sa Tarlac City.

“Aniya, nananawagan po ang ating Pangulo sa sambayanan na bumoto po tayo nang maaga at tiyakin nating ang halalang pambarangay ay magpapatatag sa ating pagpupunyaging pairalin ang mabuting pamamahala sa ating bansa.”

ANIYA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARANGAY ELECTIONS

BOARDS OF ELECTION INSPECTORS

CENTRAL AZUCARERA

COMELEC

PANGULONG AQUINO

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with