Mga korte may pasok sa Lunes
MANILA, Philippines - Tuloy ang operasyon sa Lunes ng mga korte sa bansa kahit idineklarang special non-working holiday ito dahil sa idaraos na nationwide barangay elections.
Ito ang kautusan na inilabas ng Supreme Court, na sumasaklaw sa mga korte na nasa ilalim ng pangaÂngasiwa ng Office of the Court Administrator.
Inaatasan ang mga executive judge at clerks of courts ng mga Regional Trial Court (RTC), Metropolitan Trial Court at Municipal Trial Court na pumasok sa trabaho sa Oktubre 28.
Layunin ng SC na matugunan kaagad ng hukuman ang mga kasong may kinalaman sa eleksyon sa nabanggit na araw.
Gayundin, inatasan ni Marquez ang mga clerk of court na maghanda ng skeletal force na tatanggap ng bayad para sa court fees at cash bonds na may kinalaman sa mga election offense.
- Latest