MANILA, Philippines - Upang higit na mabigyan ng maayos na serbisyo ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) ay bukas na ang alinmang branches ng ahensiya malapit sa inyong lugar.
Ito ayon kay SSS officer-in-charge Edgar Solilapsi ay makaraang aprubahan ng Social Security Commission ang extended branch schedule na layuning ma-accommodate ang lahat ng mga miyembro na hindi makapagsagawa ng transaksyon sa SSS tuwing regular business hours kapag Mondays hanggang Fridays.
“Under the new schedule, SSS branches will be open to serve members from 8 a.m. to 5 p.m. every Saturday, on top of their regular business hours on Mondays to Fridays,we encourage members, as well as regular and household employers, to take advantage of this special SSS branch schedule, which starts on October 26,†dagdag ni Solilapsi
Ang extended work schedule ay magbibigay tulong din sa mga miyembrong biktima ng lindol sa Bohol at Cebu na nais sumailalim sa SSS Calamity Relief Package at iba pang loan packages na handog ng ahensiya sa mga miyembro.