MANILA, Philippines - Wala raw “takeover†sa Communications Group ni Pangulong Aquino dahil sa biglang paglutang ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr.
Sinabi ni Sec. Coloma, bahagi lamang siya ng comm. group ni Pangulong Aquino pero hindi nangangahulugan na may nawala o kanyang pinalitan sa pagsasagawa ng regular briefing.
Aniya, lahat sila ay nagtutulungan upang maipabatid sa taumbayan ang mga ginagawa ng gobyerno at ng Pangulo para sa kagalingan ng mamamayan.
Wala rin anyang katotohanan na nadismaya si PNoy sa performance ng communications group kaya nagkaroon ng pagbabago.
Magugunita na dati ay sina Presidential Spokesman Edwin Lacierda at Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang nagsasagawa ng regular media briefing sa Palasyo pero biglang si Coloma na ang nagsagawa nito.
Unang napaulat na bumagsak ng 15% ang public satisfaction rating ng Pangulo batay sa survey ng social weather stations noong September 20 to 23 at isinisisi sa pork barrel scam at mga kwestiyon sa paggamit ng Disbursement Acceleration Program.
Itinanggi din ni Coloma na pinalitan na niya si Lacierda bilang tagaÂpagsalita ng Pangulo bagamat inamin na mas malimit na daw itong haharap sa Malacañang Press Corps upang mas malinaw na maipaliwanag ang mga isyu.
Tatlong beses na kada linggo haharap sa media briefing si Coloma habang pagpapasyahan naman nina Lacierda, Sec. Ricky Carandang at Valte kung sino sa kanila ang haharap sa natitirang apat na araw.