^

Bansa

Dagdag benepisyo sa solo parents

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bilang tulong sa mga magulang na solong nagpapalaki ng kanilang mga anak, inihain sa Senado ang Senate Bill 121 na naglalayong amiyendahan ang Republic Act 8972 o ang Solo Parents Welfare Act of 2000 upang mapa­lawak ang mga benepisyo ng mga “solo parents”.

Sa nasabing panukala na inihain ni Senator Francis “Chiz” Escudero nais nitong magkaroon ng bayad o suweldo ang mga solo parent na mag a-avail ng karagdagang pitong araw na leave taun-taon.

Sa kasalukuyang batas, binibigyan ang mga solo parents ng karagdagang pitong araw na parental leave o bakasyon mula sa kanilang trabaho pero hindi malinaw kung dapat silang bigyan ng suweldo o bayad kaya nilinaw ni Escudero sa kanyang panukala na dapat ay may bayad ang mga solo parents.

Bukod sa pitong araw na parental leave “with pay” maaari ring makakuha ng 10% discount ang mga solo parents sa pagbili ng damit o clothing materials para sa kanilang mga anak mula sa paglilihi hanggang sa maging 2 years old ang bata.

Nais din ni Escudero na makakuha ng 15% discount ang mga solo parents sa pagbili ng medical supplements/supplies para sa kanilang mga anak mula conception hanggang maging limang taong gulang ito.

Dadagdagan din ng P50,000 ang personal exemption ng mga solo parents upang lumiit ang babayaran nilang buwis.

Nais rin ni Escudero na kahit na sinong solo parent ay makakuha ng “solo pa­rent ID sa mga municipal or city social welfare officer.

BILANG

BUKOD

PARENTS

REPUBLIC ACT

SENATE BILL

SENATOR FRANCIS

SOLO

SOLO PARENTS WELFARE ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with