3 bus company sa Atimonan accident, sinuspinde ng 30 days

MANILA, Philippines - Sinuspinde na kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang tatlong bus company na sangkot sa pagkamatay ng 20 katao at pagkasugat ng marami sa isang vehicular accident sa Atimonan, Quezon kamakailan.

Ayon kay LTFRB Executive Director Roberto Cabrera, kabilang sa pinatawan ng preventive suspension ang 35 bus unit ng Superlines, anim na bus unit ng Bicol Isarog at dalawang bus unit ng DLTB bus company.

Anya, ang bawat bus unit na nasangkot sa aksidenteng nabanggit ay kasama ng franchise ng iba pang bus unit ng naturang mga bus company na nasuspinde rin ng ahensiya ang operasyon.

Niliwanag ni Cabrera na maaari pang humaba sa 30 days ang parusa sa mga bus units depende pa sa bigat ng kasalanan ng bawat unit sa aksidente dahil patuloy pa rin ang pagbusisi ng ahensiya kaugnay ng aksidente.

Ang mga nasuspindeng bus ay isasailalim din sa road worthy test habang sa­sailalim sa drug test at seminars ang mga driver nito.

Show comments