^

Bansa

Bahay ni ex-President Quezon, binuksan sa publiko

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naluluha ako at nalulungkot dahil maraming alaala sa bahay na ito ang hindi ko makakalimutan...it makes me cry ”.

Ito ang sambit ni Doña Maria Zeneida “Nini” Molina Quezon Avancena, ikalawang anak ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon sa ginanap na pagbubukas ng bahay ng pamilyang Quezon sa loob ng QC Memorial Circle noong Lunes ng gabi.

Sa panayam, sinabi ni Avancena  na  malaki ang pasasalamat ng kanyang pamilya sa QC government lalo na kay QC Mayor Herbert Bautista at  Vice Mayor Joy Belmonte dahil sa kanilang pagtitiyaga na sila ay makumbinsi na mailipat ang kanilang bahay sa loob ng QC Memorial Circle na hindi nila akalain na mababalik sa dating ganda at dito maaalala ng mga Pilipino ang kasaysayan ng kanyang ama bilang Pangulo ng bansa.

Sinabi rin nito na siya ay nalulungkot ng makita ang bahay dahilan sa dito namatay ang kanyang ina na si Doña Aurora Molina Quezon, ang asawang si Felipe, ang nakatatandang kapatid na si Baby Quezon at ang ikatlong kapatid na si Nenita Quezon na 10 buwan pa lamang ay yumao na dahil sa pagkakaroon ng  sakit na tuberculosis na nakuha sa kanyang ama.

“My dad is a loving father, he teach me how to swim at Manila bay, he is my first swimming instructor, napakabait niyang ama at sobrang mapagmahal”, kuwento pa ni Avancena.

Ang naturang bahay ang tinirahan ng yumaong Pa­ngulong Quezon noong siya ay may sakit. Ang bahay ay da­ting nakatayo sa Gilmore New Manila  at nailipat sa QC Circle makalipas ang halos isang taong pakikipag-ugnayan ng pamahalaang lungsod sa pamilyang Quezon.

Idinagdag ni Avancena hanggang taong 2006 sila tumira sa bahay na ito.

“Ang aking ama ay la­ging may panahon para sa amin. Nagkaroon kami ng pribadong buhay na higit pa sa mga mag-anak ng mga president sa kasalukuyang panahon”, dagdag pa ni Avancena.

Sa kanyang panig, sinabi ni Mayor Bautista na napaka-challenging ang pagkakalipat ng bahay ng pamilyang Quezon sa loob ng QC Memorial Circle dahil nagkaroon muna ng very emotional roller coaster bago naganap ang paglipat. Dito umano naglagi ang dating Pangulo sa natitirang araw ng kanyang buhay.

Si Quezon ay dinala sa US para magpagamot pero yumao rin taong 1949 dahil sa sakit na tuberculosis.

Ayon pa kay Bautista, plano ng kanyang administrasyon na apat na straktura na lamang ang makikita ng publiko sa loob ng QC Memorial Circle at ito ay ang Pylon (tower), libingan ng mag-asawang Manuel Luis Quezon at Doña Aurora Quezon, Quezon Museum at QC public library na pawang may kaugnayan sa kasaysayan ng yumaong Pangulong Quezon.

Anya ang mga establisimento na mga nakatayo sa ngayon sa Circle ay ilalagay lahat sa underground at ang ibaba nito ay ang apat na straktura na lamang para mapreserba ang yaman ng kultura at kasaysayan ni Quezon.

Sa kanyang panig, sinabi ni Vice Mayor Belmonte bilang city tourism head na malaking tulong ang pagpreserba sa bahay ng yumaong Pangulong Quezon sa mga Pilipino lalo na sa mga mag-aaral na nais malaman ang kasaysayan ng dating Pangulo.

Anya, libre  ang pagpasok ng publiko sa Quezon Heritage House at ang mga nais na makita ito ay sasamahan ng mga piling tagapagbantay sa bahay.

 

AVANCENA

BAHAY

KANYANG

MEMORIAL CIRCLE

PANGULO

PANGULONG QUEZON

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with