Dahil US citizen Rep. Reyes dinisqualify

MANILA, Philippines - Tuluyan nang diniskwalipika ng Supreme Court (SC) si Marinduque Rep. Regina Reyes kaugnay sa nagdaang halalan na mahigpit na katunggali ni re-electionist Rep. Lord Allan Velasco.

Ito ang napagdesisyunan ng SC justices sa isinagawang en banc session kahapon.

Nabatid na si Velasco ay anak ni SC Justice Presbitero Velasco Jr. na una nang nag-inhibit sa kaso.

Napag-alaman na nahalal si Reyes at naiprokla­mang nanalo subalit ilang araw lamang ang nakalipas ay idineklarang “null and void” ng Comelec.

Nag-ugat ang disqualification case ni Reyes sa isyu ng kanyang citizenship dahil siya raw ay isang American citizen.

Show comments