MANILA, Philippines - Tiniyak ng Manila North Cemetery na handa na ang kanilang pamunuan para sa nalalapit na paggunita sa Araw ng mga Patay.
Ang paniniyak ay ginawa ni MNC administrator Raffy Mendez, kung saan sinabi nito na kasado na ang pamunuan ng MNC sa kanilang isinagawang preparasyon upang magbigay ng magandang serbisyo sa publiko na dadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay na nakalibing sa naturang sementeryo.
Batay sa anunsiyo na inilabas ng MNC, simula Oktubre 29, 2013 hanggang Nobyembre 4, 2013 ay wala silang schedule sa pagsasagawa ng libing sa North Cemetery at sa Greenpark, gayundin wala rin silang schedule sa kanilang “cremationâ€.
Nakasaad pa sa anunsiyo na simula hatinggabi ng Oktubre 30, 2013 hanggang hatinggabi ng Nobyembre 2, 2013 ay hindi na pahihintulutan ng pamunuan ng MNC ang lahat ng klase ng behikulo na makapasok sa loob ng naturang sementeryo.
Nagtayo rin ang MNC ng “paging system†at “lost and found†na matatagpuan malapit sa arko ng MNC upang magbigay serbisyo sa mga nawawala lalo na ang mga bata upang madali silang matagpuan ng kanilang mga magulang.
Pinaalalahanan din ni Mendez ang publiko na huwag nang dalhin ang mga bagay na ipinagbabawal na dalhin sa loob ng sementeryo tulad ng sound system, alak, kutsilyo, gamit pang sugal, matutulis na bagay at ilang mga gamit na nakasasakit dahil kukumpiskahin lamang ito ng mga itinalagang awtoridad sa harapan ng MNC.