MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ng Malacañang na popondohan ng gobyerno ang restoration ng mga nawasak na simbahan na tinuturing na cultural heritage sites na nasira ng magnitude 7.2 na lindol sa lalawigan ng Bohol at Cebu.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakasaad sa batas na dapat ang gobyerno ang tumulong sa pagpapagawa ng mga nawasak na heritage sites tulad ng mga lumang simbahan ng Loboc Church, Baclayon church at ang Basilica Menore de Sto. Nino sa Cebu City.
Tinatayang aabot ng P1 bilyon ang magagastos para sa restoration ng mga nawasak na cultural heritage churches subalit pinapayagan lamang daw ang NCCA na hanggang P40 milyon kada taon ang kanilang gamiting pondo para sa restoration ng heritage sites.