MANILA, Philippines - Aabot sa 37,054 katao ang posibleng mamatay sa Metro Manila kapag tumama ang 7.2 magnitude ng lindol sakaling gumalaw ang West Valley Fault habang aabot sa P2.4 trilyong halaga ng mga gusali ang nangaÂnganib ring mapinsala.
Inihayag ito kahapon ni Phivolcs Director Renato Solidum sa press briefing matapos ilunsad ang multi-hazard and risk maps for the Greater Metro Manila Area (GMMA) kaugnay sa matinding panganib na maaring idulot ng mga kalamidad tulad ng lindol.
Ang nasabing proyekto na pinondohan ng 5.55M Australian dollar ay bilang tulong ng Australia sa Pilipinas katuwang ang National Disaster Risk Reduction and Management Council, Phivolcs, Pagasa, MMDA, Mines and Geosciences Bureau at ang mga local government units.
Ayon kay Solidum, ang West Valley fault ay may 90 kilometrong haba na ang sentro ay sa Marikina City. Saklaw nito ang mga lugar sa silangang bahagi ng lungsod gayundin sa Pasig City, Muntinlupa City at maging sa silaÂngang bahagi ng Quezon City.
“The Philippines is prone to disaster earthquake hazards that could affect Metro Manila and surrounding provinces. Two ground shaking scenarios were modeled for magnitude 6.5 and 7.2 such earthquake can caused major damage,†ani Solidum.
Kabilang naman sa mga karatig lalawigan ng Metro Manila na posiÂbleng tamaan ay ang Rizal at Cavite.
Tinataya namang nasa 1,100 ektarya ang maaÂring mawasak sa pagguho ng mga matataas na gusali sa Metro Manila.
Sinabi ni Solidum na ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang nasa “Pacific Ring of Fire†kaya nananatili ang banta ng lindol sa mga probinsiya at lungsod sa buong bansa maliban sa Palawan.
Sa rekord, mahigit 300,000 katao ang naapekÂtuhan ng limang mapanganib at malakas na lindol na tumama sa Pilipinas sa loob ng 10 taon.
Kabilang dito ang lindol sa Negros Oriental noong 2012 na kumitil ng 50 katao habang nasa P383-M ang nasirang mga istraktura.
Wika pa ni Solidum, ang Metro Manila ay minsan ng niyanig ng malakas na lindol noong 1600 na ikinapinsala ng century old na Manila Cathedral na muling itinayo.
Ang mapaminsalang lindol ay posible umanong maulit sa pagitan ng 400 hanggang 600 taon depende sa galaw ng West Valley Fault.