MANILA, Philippines - Ang Metro Manila, CALABARZON, Kabikulan, Kabisayaan, Mindanao at ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Bulacan, Mindoro, Marinduque at Romblon ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magiÂging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-uÂlan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan hanggang hilaga ang iiral sa Luzon at ang mga baybaying dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.
Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa hilaga hanggang sa hilagang-silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Ang araw ay sisikat 5:48 ng umaga at lulubog 5:35 ng gabi