Mag-asawang Napoles pinahaharap sa PI ng DOJ

MANILA, Philippines - Inatasan ng Department of Justice si Janet Napoles, ang itinuturong Reyna ng pork barrel scam at  mister nitong si Jaime  na retiradong military officer na humarap sa gagawing Preliminary Investigation (PI) sa kanilang tax evasion case na kinakaharap.

Kinumpirma ni Senior Assistant State Prosecutor Edna Valenzuela, miyembro ng  lupon, na ang pagdinig ay gaganapin sa October 21 at November 5, ganap na alas-2:00 ng hapon.

Sinabi ni Valenzuela na pinadalhan na nila ng subpoena sa bahay ang dalawang respondent, gayundin sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna kung saan nakakulong si Janet dahil naman sa kasong serious illegal detention na isinampa ng pork barrel scam whistleblower na si Benhur Luy.

Ayon sa BIR, aabot sa 44.68 million pesos ang tax liability ni Janet Napoles, habang ang kanya namang asawa ay 16.43 million pesos.

 

Show comments