MANILA, Philippines - Aalis muli ng bansa bukas si Pangulong Benigno Aquino III bukas (Oct. 17) para sa 2-araw nitong state visit sa Republic of Korea sa imbitasyon ni President Park Geun-hye, ayon kay DFA Assistant Secretary Raul Hernandez.
Magtutungo si PaÂngulong Aquino sa Seoul bukas para sa kanyang 2-day state visit kasama ang kanyang maliit na delegasyon.
Ayon kay Asec. Hernandez, sasaksihan nina Pangulong Aquino at President Park ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng defense chief ng 2 bansa para sa cooperation sa field ng defense.
Inaasahan din na lalong payayabungin nina PNoy at Park ang relasyon ng dalawang bansa lalo sa larangan ng trade and investment, development assistance at tatalakayin din ng 2 lider sa kanilang bilateral talks ang tungkol sa regional issues.
Makikipagpulong din ang Pangulo sa KoÂrean business community upang himukin na magnegosyo ang mga ito sa Pilipinas at makikipagkita rin sa Filipino community sa nasabing bansa.