^

Bansa

Tuloy ang biyahe ni PNoy sa Korea bukas

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aalis muli ng bansa bukas si Pangulong Benigno Aquino III bukas (Oct. 17) para sa 2-araw nitong state visit sa Republic of Korea sa imbitasyon ni President Park Geun-hye, ayon kay DFA Assistant Secretary Raul Hernandez.

Magtutungo si Pa­ngulong Aquino sa Seoul bukas para sa kanyang 2-day state visit kasama ang kanyang maliit na delegasyon.

Ayon kay Asec. Hernandez, sasaksihan nina Pangulong Aquino at President Park ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng defense chief ng 2 bansa para sa cooperation sa field ng defense.

Inaasahan din na lalong payayabungin nina PNoy at Park ang relasyon ng dalawang bansa lalo sa larangan ng trade and investment, development assistance at tatalakayin din ng 2 lider sa kanilang bilateral talks ang tungkol sa regional issues.

Makikipagpulong din ang Pangulo sa Ko­rean business community upang himukin na magnegosyo ang mga ito sa Pilipinas at makikipagkita rin sa Filipino community sa nasabing bansa.

vuukle comment

AALIS

AQUINO

ASSISTANT SECRETARY RAUL HERNANDEZ

MEMORANDUM OF UNDERSTANDING

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENT PARK

PRESIDENT PARK GEUN

REPUBLIC OF KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with