MANILA, Philippines - Patay ang 87 katao at 257 ang naitalang nasugatan sa naganap na 7.2 magnitude na lindol ang Central Visayas Region partikular sa Bohol at Cebu, kahapon ng umaga.
Sa press briefing sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Aguinaldo, nabatid na 77 ang naitalang nasawi sa Bohol, 9 sa Cebu at isa sa Siquijor habang 257 naman ang nasugatan sa iba’t-ibang lugar na apektado ng lindol.
Sinabi ni PHILVOCS Dir. Renato Solidum, dakong–8:12 ng umaga ng maganap ang lindol na ang epicenter ay may 2 kilomentro sa timog silaÂngan sa bayan ng Carmen Bohol.
Ayon kay Solidum, ang pagyanig na umabot sa 30 segundo hanggang isang minuto ay bunga ng paggalaw ng East Bohol fault na may sukat na 30 kilometro sa naturang lugar.
Inalis naman ni Solidum ang pangamba ng publiko dahil walang inaasahang tsunami na magaganap matapos ang malakas na lindol, pero inaasahan pa ang mga aftershocks na aabot hanggang magnitude 6.
Dahil sa pagyanig, maraming bahay, puno, simbahan, matataas na gusali at iba pang istraktura ang nawasak at nagkabitak-bitak.
Sa ulat na ipinarating sa NDRRMC ni Sr. Supt. Dennis Agustin, Operations Center ng Bohol Police na karamihan sa mga nasawi ay mula sa mga bayan ng Sitapi, Claerin, Buenavista, Calape, Tubigon, Balilihan, Inabanga, Batuan, Sabayan, BaclaÂyon, Loay, Albuquerque, Maribojoc, Bilar, Cortez at Loay. Habang ang ibang biktima ay mula sa ibang lugar tulad ng lalawigan ng Tagbilaran City at Siquijor.
Kasalukuyan pang inaÂalam ng pinagsanib na puwersa ng search and rescue operation mula sa ibat-ibang sangay ng pamahalaan at pribadong sector kung may mga na-trap pa sa mga gumuhong istraktura.
Isinailalim na rin sa state of calamity ang Bohol at Cebu bunga ng maÂtinding epekto ng lindol.
Nawalan rin ng power supply ang malaking bahagi ng Cebu at Bohol habang kanselado pa hanggang ngayon ang pasok sa mga eskuwelahan at opisina sa mga lugar na matinding napinsala bunga ng pagyanig.