^

Bansa

Publiko binalaan vs halloween items

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalaan ng Ecowaste Coalition ang mga event organizers at publiko sa pagbili ng items na gagamitin sa Halloween party bunga ng nakatagong toxic substances nito na makakasama sa kalusugan.

Ayon sa grupo, nagsisimula na umanong kuma­lat sa mga shopping malls at discount stores ang mga produktong pang-Halloween, subalit kailangan suriing mabuti ng mamimili ang naturang produkto kung ligtas ito.

“Our investigation indicates that some Halloween items are laced with health-damaging toxic metals. Instead of adding excitement and fun to the celebration, these products may in fact endanger children’s health,” ayon kay Thony Dizon, Coordinator ng EcoWaste Coalition’s Project Protect.

Sabi naman ni pediatrician Dr. Bessie Antonio, Vice-President, Philippine Society of Clinical and Occupational Toxicology, ang toxic metals ay kila­lang nagdudulot ng sakit sa mga matanda at bata. Pero ang mas naaapektuhan ng kemikal nito ay ang mga kabataan.

Para makaiwas ang mga bata sa mga toxins ng mga produktong Halloween, inirekomenda nilang suriin maigi ang mga lebel ng produkto kung may sapat na labe­ling information, kabilang ang chemical ingredients nito.

AYON

BINALAAN

DR. BESSIE ANTONIO

ECOWASTE COALITION

PERO

PHILIPPINE SOCIETY OF CLINICAL AND OCCUPATIONAL TOXICOLOGY

PROJECT PROTECT

THONY DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with