MANILA, Philippines - May 13 katao ang tinatayang naÂsawi habang apat na maÂngingisda ang naÂwawala sa pananalasa ng bagyong Santi sa mga hinagupit nitong lugar sa bansa partikular na sa Region II at Central Luzon, ayon sa lokal na pulisya, Office of Civil Defense (OCD) Region 3 at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at wires kahapon.
Sinabi ni NDRRMC Spokesman Major Reynaldo Balido Jr. sa mga mamamahayag na, sa limang katao na naitala ng kanilang tanggapan, kabilang rito ay isang pulis na natabunan ng mudslide sa Brgy. Ayala, Magalang, Pampanga.
Kinilala ni PNP-Public Information Office Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac ang nasawing pulis na si PO1 Crisencio Omawing Bueno ng 1st Maneuver Company, Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng Police Regional Office (PRO) 3. Natabunan ang patrol base nito ng gumuhong mudslide galing sa Mt. Arayat dakong ala-1 ng madaÂling araw nitong Sabado. Isa rin ang nakuryente sa Brgy. Lourdes, Candaba, Pampanga na si Michael Parungao.
Iniulat naman ni Masbate Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Roberto OlitiÂquit ang pagkamatay ng ikaanim na biktima na si Flora Bautista, 80 anyos, na nalunod matapos na tangayin ng malakas na agos sa ilog sa gitna ng malalakas na buhos ng ulang dulot ng bagyong Santi sa Milagros, Masbate dakong alas-11 ng umaga.
Ipinatupad din ang preemptive evacuation sa 57 barangay sa Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Zambales at Aurora kung saan kabilang sa mga inilikas ay 603 pamilya na binubuo ng 2,524 katao sa Aurora at 141 katao o katumbas na 2,124 pamilya sa Masinloc at Sta Cruz, Zambales.
Samantala, tatlo namang mangingisda ang nawawala na mula sa Catanduanes sa Bicol Region na kinilaÂlang sina Andres Timuat, 42; Edilberto Arcilla, 55, at Jose Burak, 58 na pumalaot simula pa noong Oktubre 8 hanggang sa abutin ng unos sa karagatan. Ang isa pa ay mula naman sa Dingalan, Aurora .
Ayon naman kay NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario, kabilang naman sa mga lugar na sinakmal ng blackout ay walong munisipalidad sa Regions 2 at tatlo naman sa lalawigan ng Quirino kabilang ang bayan ng Aglipay; mga bayan ng Jones at San Agustin sa Isabela; Dingalan sa Aurora; Alfonso Castañeda, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Aritao, pawang sa Nueva Ecija.
Ang bagyong Santi na bahagyang humina matapos na dumating sa Dingalan, Aurora at tumahak sa West Philippine Sea nitong Sabado ng umaga ay inaasaÂhang lalabas na sa bansa ngayong araw.
Nagdulot din ng pagkabuwal ng mga puno at mga poste ng kuryente saka telecommunication lines ang bagyong Santi na nagbuhos ng malakas na ulan at bumayo rin ng malakas na hangin sa Aurora.
Iniulat din ng opisÂyal na nasa 2,000 pasahero, 24 behikulo, 277 rolÂling cargoes at 19 motorbancas ang stranded sa iba’t-ibang lugar sa mga pantalan sa Luzon.
Dumanas din ng maÂtinding mga pagbaha ang iba pang lugar sa Central Luzon kabilang ang ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan na mula tatlong talampaÂkan hanggang lagpas tao ang baha partikular na sa bayan ng San Miguel at San Ildefonso.
Iniulat din na 13 kalÂÂsada ang hindi maÂdaanan sa Region 3 kabilang dito ang McArthur Highway; Brgy. Sta Cruz sa Tarlac City at dalawa mula sa Ligao City, Albay sa Region V habang nasa 45,000 ektaryang pananim na malapit ng anihin ang winasak ng baha sa Pampanga.