MANILA, Philippines - Tatlong pangalan ang lumulutang ngayon na tinutukoy na “Ma’am Arleneâ€.
Ito ang sinabi ni Court Administrator Jose Midas Marquez kahapon kaugnay sa isyu na isang kahalintulad ni Janet Lim-Napoles ang umano ay nakikinabang din sa mga transaksiyon sa korte.
Sinabi ni Marquez, batay sa kanyang paunang findings, ang Ma’am Arlene ay posibleng isang clerk mula sa Court of Appeals, isang dating empleyado ng Manila Regional Trial Court at isang kilalang contact mula sa Manila City Hall.
Bagamat tukoy na umano nila ang pagkakakilanlan ng tatlong Arlene, ayaw muna niyang ibunyag ang kanilang mga pangalan dahil masyado pang hilaw ang hawak nilang impormasyon.
Tumanggi rin si Marquez na maglahad ng iba pang detalye dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Korte Suprema hinggil dito.
Gayunman, ipinaliwanag ni Marquez na ang kontrobersiya ay nagsimula sa kampanya sa eleksyon para sa mga bagong opisyal ng Philippine Judges Association.
Lumutang umano ang alegasyon na may isang kandidato na suportado ng isang Ma’am Arlene na sinasabing maimpluÂwensya sa mga korte.
Iniutos na umano ni Marquez na magsumite ng kani-kanilang komento o paliwanag ang tatlong hukom na naglaban para sa pagka-pangulo ng PJA at ito ay sina Quezon City Regional Trial Court Judge Ralph Lee na nagwagi sa eleksyon; Makati RTC Judge Rommel Baybay at Marikina RTC Judge Felix Reyes.
Ang PJA Election/Convention ay ginanap nitong October 9-10.