MANILA, Philippines - Tiniyak ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na mapapagtibay ng Kamara ang Freedom of Information (FOI) bill.
Ayon kay Belmonte, pinare-review na niya ang iba’t ibang bersyon ng naturang panukalang batas na naihain na sa Kamara at ang anumang bersyon na makakalusot ay siguradong reflective ng opinion ng mga mambabatas.
Kumpleto na rin ang miyembro ng House Public Information Committee na hahawak ng deliberasyon ng FOI bill sa oras na mai-refer ito ng plenaryo.
Taliwas naman ito sa pahayag ng chairman ng komite na si Misamis Occidental Cong. Jorge Almonte na hindi pa sila kumpleto sa komite at sa Oktubre 23 pa sila magpupulong.
Sa naturang meeting ay pag-uusapan pa lamang umano nila kung paanong tatalakayin ang mga panukalang batas kabilang na ang FOI na nai-refer na sa komite.
Plano rin umano ng komite na bumuo ng technical working group para i-consolidate ang mga naihaing FOI bills.