^

Bansa

Konsehal kinasuhan ng graft sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng graft sa tanggapan ng Ombudsman ang isang newly elected Councilor ng Quezon City at isang treasurer ng barangay matapos umanong mag-withdraw ng halagang P170,520.00 sa bangko para sa bonus ng mga empleyado ng barangay ng walang kaukulang barangay resolution at dokumento.

Sa apat na pahinang charge sheet complaint sinampahan ng kaso si Councilor Jose A.Visaya ng 5th district ng QC at Elizabeth Galicia, barangay treasurer ng Barangay Novaliches Proper, QC.

Ipinagharap ng kaso ang dalawa ng mga kagawad na sina Teresita Bognot, Kagawad Leah Dj. Reyes at Kagawad Ma. Kristine Fider pawang mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Bgy. Novaliches Proper.

Nag-ugat ang kaso makaraan umanong si Visaya na dating Punong Barangay ng Barangay Novaliches Proper at Galicia ay inaprubahan umano ang pagla­labas ng P170,520.00 halaga na pondo ng barangay para sa cash gift at Year End Bonus ng mga empleyado ng barangay ng wala umanong kaukulang barangay resolution.

 

BARANGAY

BARANGAY NOVALICHES PROPER

COUNCILOR JOSE A

ELIZABETH GALICIA

KAGAWAD LEAH DJ

KAGAWAD MA

KRISTINE FIDER

NOVALICHES PROPER

PUNONG BARANGAY

QUEZON CITY

SANGGUNIANG BARANGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with